PROTESTA NG MGA AMERICAN CITIZENS SA PAGKAMATAY NG ISANG BLACK AMERICAN SA US, PATULOY NA PINANGANGAMBAHAN

Read Time:1 Minute, 19 Second

WASHINGTON D.C — Patuloy ang kaguluhan sa United States matapos masawi ang isang black American na tinuhuran sa leeg ng isang Minneapolis police makaraang umano’y magbayad ito ng pekeng $20 sa isang convenience store.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Naging dahilan ito upang magprotesta ang mga American citizens sa labas ng gate ng White House matapos mapatay ng pinangalanang police officer Derek Chauvin habang nakasampa ang tuhod nito sa leeg ng isang black American na si George Floyd na agad niyang ikinasawi.

Nagsama-sama ang mga demonstrador sa 14th at U street sa Northwest D.C bago sila magmartsa patungong White House.

Dahil dito, gumawa na nang ingay ang mga raliyista at kanilang isinisigaw ang ‘black lives matter, ‘no justice, no peace’ at ‘I can’t breathe’ — na maririnig na sinisigaw ni Floyd habang nakasampa ang tuhod ng polis sa kanyang leeg hanggang siya ay malagutan ng hininga.

Tinuligsa ng mga American citizen si US President Donald Trump matapos sabihin na handa itong magpadala ng militar sa Minnesota kapag nagtuloy-tuloy ang protesta sa lugar dahil sa pagkamatay ni Floyd.

Sinabi pa nito na kapag nagkaroon na ng looting o pagnanakaw sa mga tindahan ay magsisimula na rin ang pamamaril sa nasabing lugar.

George Floyd

Samantala, may mga napaulat na may mga nasugatan sa demonstrasyong ito habang isang Secret Service officer naman ang nasugatan sa insidente. Patuloy pa ring itong tinututukan ng mga awtoridad na malaki ang posibilidad na magpatuloy pa sa pagprotesta ang mga american citizens na umabot na sa Beverly Hills, California na nananawagan ng hustiya sa pagkamatay ni Floyd. (Ni REX MOLINES | PHOTO COURTESY: CNN)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post INDIA: Buntis na Elepante kumain ng Pinya, patay
Next post EDITORYAL: Krisis sa hanap-buhay ni Juan ngayong pandemya, ‘wag balewalain

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: