SHOWBIS ATBP.

Showbiz: ‘Most disliked’ Wish Bus performance ni Kim Chiu, inulan din ng komento ng mga netizen

Hi! Mga kaMilenyo! Musta naman po kayo? Napanood niyo na ba ang performance ni Kim Chiu sa Wish Bus FM kanina? Aba, dapat mo siguro itong mapanood.

Sa halos apat na oras pa lang na nailalabas ang guesting ni Kim Chiu sa Wish Bus (Wish 107.5), kung saan ay kinanta nito ang famous hit niya ngayon na ‘Bawal Lumabas’ biruin nyo ha, naka 454,000 views na agad ito. Lufet ni ateng!

Kung tatantiyahin, mataas ang viewership na ‘yon. Pero ang nakakapraning, ang guesting ni Kim na iyon ay humakot din ng pinakamataas na record ng ‘thumbs down’ o ‘disliked’ sa oras din na yun. Sa mga oras na ito ay nakakuha ng mahigit 255,000 plus na thumps down kumpara sa liked o thumbs up na nasa mahigit 104,000 lamang. At ang view ay nasa 3 milyon na as of 5:05 PM today.

Dahil nga dito, binansagan ng mga netizens na ito na raw ang ‘The Most Disliked Wish Performance’. Kung sa iba ‘Ouch!’ talaga itey, ewan ko lang kay Kim, ha! Kasi instead maging nega siya sa pang-ba-bash sa kanya e nagiging positibo pa rin ang aktres-singer.

Napakarami ring komento sa video na ‘yon ni Kim. Halos nasa 50,000 mahigit din ha! and as of 5:06PM today umabot na ito sa 144,000 comments. Mas marami ang nanlalait kay Kim kesa pumuri sa aktres. Dahil dito, marami ang naghihimutok kay Kim at kung bakit pa raw siya ang kinuha na mag perform sa Wish FM e, mas marami naman raw na mga singer ang mas magaling kesa kay Kim? Mga underrated singer na hindi nabibigyang pagkakataong magperform sa Wish Bus. Kaloka!

Maging sa Twitter account nito, kung saan ay nag number one ulit si Kim Chiu, kaya naman to da max ang pagtanggol ng mga fan ng aktres sa kanya. Wala namang daw ginagawang masama si Kim at kung bakit ganun na lang siya ibash at husgahan ng mga netizen?

Yes, aminado ako. Aminado ako na hindi ito magiging dahilan para malaos ang aktres. Sa katunayan, wala namang pinagkaiba ang mga nanonood sa performance o mga nag view ng video ni Kim kahit marami pa rin ang nag disliked at nagbash sa kanya. Ibigsabihin lamang na mas lalong sumisikat pa ang aktres sa ginagawang pamba-bash sa kanya na tinatanggap na lang ng maluwag sa loob ng aktres at patuloy ito nagiging positibo at dedicated sa kanyang ginagawa. Oh ano’ng say nyo?! Inggit kayo kay Kim noh? Try nyo rin magpaka tanga sa video baka mapansin din kayo.

Pinaalalahanan din ng ilan sa mga nagkomento na huwag po tayong maging malupit kay Kim Chiu, alalahanin natin na kapag ang tao ay pinupukol ng masasakit na salita, panghuhusga o ano pa man ay siyang itinataas ng Diyos. At sa mga netizens na sobrang mapangutya, aba! Manalamin muna kayo bago nyo ibash ang isang aktres o aktor na kagaya ni Kim Chiu na ang hangad lamang ay tumulong sa paraan na nagagawa nya ngayong may pandemic at magpasaya sa simpleng pag-awit niya. ‘Wag pulos K-Pop din ang suportahan nyo, dapat tayong mga Pilipino ang nagsusuportahan sa isa’t isa at hindi nilalait ang ating kapwa Pilipino. Ganurn! (Ni Naneth G. | PHOTO COURTESY: JM ACUÑA via Wish bus 107.5 FM)

Categories: SHOWBIS ATBP.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.