GOOD NEWS! Filipinos in Vietnam — Sakabila ng kinahaharap nating krisis sa ekonomiya dahil sa nakamamatay na pandemyang COVID-19 sa buong mundo. Mayroon pa ring bansa sa Asya ang hindi naapektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ang Vietnam.
Ang nakamamangha pa rito, walang naiulat na kahit isang Filipino sa Vietnam na tinamaan ng naturang virus. Ito ay tiniyak ni Philippine Emphasy in Hanoi Charge d’ affaires Paul Vincent Uy.
Aniya, naging mabilis at epektibo ang ginawang hakbang ng pamahalaan ng Vietnam upang mapanatiling ‘Covid-Free’ ang kanilang bansa.
Agad kasing ipinasara ang kanilang border sa China, may mahigpit na sinusunod na polisiya para sa quarantine, at puspusang contract tracing sa lahat.
Kahit na walang napaulat na mga Filipino na tinamaan ng virus doon, may mangilan-ngilang pangkabuhayan ng mga Filipino roon ang nagsara. May mga Filipino ang nawalan ng kita nang isailalim sa ‘no work, no pay’ arrangement matapos magsara ang ilang mga pinagtatrabahuhan doon ng ating mga kababayan.
Sakabila nito, tiniyak naman ng ating Embahada sa Vietnam na hindi nila pababayaan ang mga Filipino na nawalan ng hanapbuhay sa Vietnam. Magpasalamat na lamang tayo na ligtas ang ating mga kababayan sa Vietnam sa banta ng COVID-19. | DM | PHOTO COURTESY: AMTI.CSIS.ORG
Categories: DAIGDIG