#ANTI-TERRORBILL: Netizens nagbigay simpatya kina Taylor Swift, Pia Wurtzbach at Catriona Gray

Read Time:1 Minute, 4 Second

Ilang mga kilalang bituin at personalidad ay nagbigay opinion patungkol sa ipapasang batas na Anti-Terrorism Law.

Kasabay ng paghabol ng Kamara sa ipapasang batas na House Bill 6875 o Anti-Terrorism Law na nagpapaliwanag sa terrorismo bilang elemento ng krimen kung saan sakop din nito ang labas ng bansa.

Umani naman ng papuri sa mga netizens ang ilang opinyon ng personalidad tulad nila Taylor Swift, pati narin sa mga Miss Universe queens na sina Pia Wutzbach ( Miss Universe 2015) at Catriona Gray (Miss Universe 2018).

Ayon sa International Pop Star, Taylor Swift sa kanyang Instagram account at nagpost siya ng paraan upang matulungan ang mga tao sa mga isyung nagaganap kabilang na rito ang Anti-Terrorism Law.

Samantala nanawagan naman ang ilang Miss Universe Titleholders na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catriona Gray sa pag-scrape sa naturang batas.

Nagpost naman si Catriona Gray sa twitter nitong Sabado (June 6, 2020) na kung saan nagbigay ito ng opinyon at simpatya sa mga netizens patungkol sa mga isyung nagaganap ngayon.

Ayon sa kanyang tweet “ The anti-terrorism bill is essential to protect the country and its people, but we cannot pass a bill that is susceptible to potential abuse of power and human rights violations.” (BENJAMIN DUCAY GARCIA)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Mass fake accounts surface on PH social media
Next post An Inspiring kind of “BUSINESS AS USUAL”
%d bloggers like this: