
ENTERTAINMENT: Miss International 2020, kanselado
Pansamantalang kinansela ang kumpetisyon sa Miss International 2020 sa kadahilanan ng pandemic na lumaganap sa mundo ngayon.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ang Miss International Pageant ay isa sa mga inaabangan ng ilang pageant expert, enthusiast at supporters na kung saan ang mga kasaling kababaihan dito ay nagtatagisan ng talino, ganda at adbokasiya.
Kinalungkot ng ilang pageant supporters ang pagkansela ng Miss International 2020 sa gitna ng pandaigdigang pandemic na dulot ng COVID-19.
Ayon sa International Cultural Association (ICA) sa Tokyo, Japan, na nag-aayos ng taunang beauty pageant, na nagpasya na kanselahin ang 2020 na kompetisyon, ang ika-60 anibersaryo na gaganapin sa October 29.
Dahil sa kanselasyon ng naturang pageant, masasabing si Miss International 2019 Sireethorn Leearamwat, ay ang isa sa mga nanalong may pinakamahabang reign sa kasaysayan ng naturang pageant matapos noong 1966 .
Mula sa mga global beauty contests, ang Pilipinas ay ang isa sa pinakamatagumpay sa Miss International pageant na may anim na title holders at ang pinaka-latest na kinoronohon ay si Kylie Versoza noong 2016. (NI BENJAMIN DUCAY GARCIA)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
Average Rating
One thought on “ENTERTAINMENT: Miss International 2020, kanselado”
Comments are closed.
Sad reality