#NoToHouseBillNo4633 – Panukalang batas ni Cong. Marcoleta sa pagbabawal ng Crucifix at iba pang Catholic images sa silid ng ospital, binatikos ng Simbahang Katolika

Read Time:1 Minute, 46 Second

“#NOTOHOUSEBILL4633” Ito ang sigaw ng buong Simbahang Katolika at ng taumbayan matapos magpahayag ng isang panukalang batas sa pagbababawal ng CRUCIFIX at iba pang CATHOLIC IMAGES sa loob ng Catholic Hospital sa bansa.

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang panukalang batas ni Congressman Rodante D. Marcoleta o House Bill No. 4633 na nagbabawal sa paglalagay o pagsabit ng mga crucifix o krus at iba pang Catholic images sa loob o silid ng isang katolikong pagamutan.

Kapag ang batas na ito ay maipasa, magkakaroon na ng karapatan ang isang pasyente na ipatanggal o panatilihin ang crucifix sa kanyang silid sa isang ospital kung saan siya nagpapagaling.

Ibigsabihin, maaring kasuhan ang mga manggagawa o maging ang mga may-ari ng isang Catholic Hospital kung hindi nito tatanggalin o aalisin ang mga crucifix na nakalagay o nakasabit sa dingding at iba pang bahagi ng silid.

Kumbaga, may isang Anti-Catholic na pasyente ang naisugod sa isang Catholic Hospital. Dahil sa ayaw ng pasyenteng ito na may catholic images sa kanyang silid sa isang katolikong pagamutan ay may karapatan na siya na patanggalin ang lahat ng Catholic images sa silid na kanyang nakikita. Kapag hindi sumunod ang mga staff o ang pamunuan ng isang Catholic hospital at sila ay tumanggi, pwedeng pwede ng kasuhan ng pasyente ang mga staff o ang buong pamununuan ng isang Catholic hospital.

Dahil dito, dumagsa ang samu’t saring komento at mga ipinoposte ng mga netizen sa social media upang makiisa na huwag hayaan ng taumbayan na alisin ang karapatan ng Simbahang Katolika. Malinaw na ito ay panggigipit ng isang sekta sa karapatang makapaglingkod ang mga katolikong pagamutan sa bansa sa knilang mga pasyente.

Giit ng Simbahang Katolika na masmaraming usapin ang kinahaharap ng ating bayan at bakit hindi iyon ang bigyang pansin at tutukan at hindi ang panggigipit sa karapatan ng mga pagamutan na ang debosyon ay ipalawig ang pagmamahal, pagtulong sa may mga sakit, at alalahanin ang pagsasakripisyo ni Hesus buhat ng tayo ay Kanyang tinubos sa ating mga kasalanan nang Siya ay ipako sa KRUS.

Narito ang ilang ipinoste ng mga Catholic religious groups and organizations sa kanilang social media accounts;

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post ENTERTAINMENT: Miss International 2020, kanselado
Next post SHOWBIZ: Philippine Cinema’s oldest active Actress, pumanaw na
%d bloggers like this: