SHOWBIZ: Philippine Cinema’s oldest active Actress, pumanaw na

Read Time:50 Second

Nagdadalamhati ang Philippine showbiz industry sa pagkamatay ng batikang aktres na si Anita Linda.

Siya ay pumanaw nitong 6:15 ng umaga, June 10 sa edad na 95.

Ang pagkamatay ng batikang aktres ay kinumpirma ng director na si Adolfo Alix Jr sa pamamagitan ng isang post sa kanyang instagram account kung saan nagbigay siya ng tribute rito.

Ayon sa kanyang post “ I am trembling as I am gathering my thoughts… She is like my Lola and part of my family”.

Naging katrabaho ng direktor si Anita Linda sa mga indie films tulad ng Adela (2008) at Presa (2010).

Ang batikang actress ay two-time FAMAS and Gawad Urian award-winning Filipino film actress.

Noong nakaraang taon lamang, binigyan siya ng parangal ng Film Development Council of the Philippines sa kanyang mga naging kontribusyon sa Philippine cinema.

Ilang mga bituin at personalidad ang nagpasalamat at nagbigay- papuri sa mga naging kontribusyon ng Veteran actress sa Philippine cinema.

Rest in Peace Anita Linda.

NI BENJAMIN DUCAY GARCIA

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post #NoToHouseBillNo4633 – Panukalang batas ni Cong. Marcoleta sa pagbabawal ng Crucifix at iba pang Catholic images sa silid ng ospital, binatikos ng Simbahang Katolika
Next post SEC-DAVAO TELLS PUBLIC: Stop dealing with Crowd1 personalities
%d bloggers like this: