Banner Story

‘Balik-Probinsya’ suspendido dahil sa kawalan ng transportasyon at para bigyang daan muna ang mga Kababayan nating na stranded sa Metro Manila

SINUSPINDE ang “Balik-Probinsya, Bagong Pag-asa” (BP2) program ng gobiyerno upang unahin muna na makabalik ang mga na-stranded nating kababayan sa Metro Manila ayon kay National Housing Authority (NHA) General Manager Marcelino Escalada Jr. ngayong araw, Huwebes (Hunyo 11, 2020).

Advertisement

Dahil sa kawalan ng transportasyon sanhi ng lockdown measures sa bansa kahit GCQ na ang Metro Manila ay naging balakit ito sa mga magbabalik probinsya ngayong araw. Dagdag pa ni Escalada, uunahin muna nilang makauwi ang mga OFW’s, mga estudyante na nananatili sa mga dorm or boarding house, mga construction workers, at mga turista na walang kakayahang manatili pa sa Metro Manila na na-stranded buhat nang ipatupad ang lockdown sa buong Luzon at karatig probinsya.

“Since nag mix up na ang population, as a matter of strategy, na-isuspend muna ang ating roll out for the Balik Probinsya, Bagong Pag-asa, to give way.” Ani Escalada na siya ring program’s executive director sa interbyu sa kanya sa isang TV News program.

Ito rin ay ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa naging instruction nito sa press briefing na unahin munang mapauwi ang ating mga kababayan na stranded dito sa Maynila.

Saad pa ni Escalada na ang mga na stranded ay kanilang i-accommodate sa ilalim ng Hatid Propinsya initiatives na magsasakay sa kanila pauwi kung ito man ay by land, sea, or air transport.

“Pagdating ng panahon na tapos na itong mga problema ng stranded and at the same time, meron nang available transportation, they can go back to their provinces by themselves.” (Ni Rex Molines | Via Manila | Photo courtesy: The Manila Times)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.