Araw ng Kasarinlan ipadama sa mamamayan ngayong pandemya

Read Time:3 Minute, 11 Second

Sa naiibang pagkakataon ng pagpupugay natin sa Araw ng ating kasarinlan ngayong araw (Hunyo 12), buhat ng tayo ay sakupin ng mga dayuhang banyaga at hanggang sa mapagtagumpayan natin ang kalayaang inaasam ng Inang Bayan.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Noon, tayo ay nagsasabit ng mga watawat sa harap ng ating bahay o sa ating bakuran, ang mga paaralan at mga estudyante ay nagbibigay oras upang bigyang daan ang ating kasarinlan, nagsasama-sama ang lahat ng mga nasa gobyerno at pribadong kompanya sa makasaysayang araw na ito upang ipagdiwang ang ating kalayaan. Ngunit hindi na ngayon, ibang kalayaan ang hinihiyaw ng taumbayan, na sana ay manumbalik nawa ang lahat sa normal, ngunit ito ay hindi pa mangyayari sa ngayon.

Maituturing na tayo ay malaya na, at ang ating mga karapatan ay atin ng ipinaglalaban. Pero may mga usaping panlipunan ang patuloy nating kinakaharap at hindi pa rin nabibigyang kalayaan gaya ng napakagandang imprastrakturang itinayo ng China sa West Philippine Sea, ang ipinaglalaban na karapatan ng pinakamalaking broadcasting company sa bansa, ang karapatang isinisigaw ng ilang mga tsuper na sana ay makapasada na sila at sila nama’y susunod sa ipinatutupad na polisiya ng mga awtoridad, ang mga OFW na patuloy pa rin nagpapakaalipin sa ibang lahi ngunit walang kakayahang ipaglaban ang kanilang karapatan dahil kailangan nilang kumita ng mas malaki kaysa manatili sa bansa, at ang pinakabago ay ang pag-alma ng mga online sellers na mabigyan sila ng karapatan sa kanilang pagbebenta online na hindi porket may kinikita sila ay may pera na silang sobra (huwag naman po sanang pati sila ay magbayad ng buwis sa kabila ng pandemya), bakit hindi na muna unahing pagbayarin ng buwis ang mga nagsilipanang POGO sa bansa, at ang panukalang isinusulong ngayon patungkol sa pagbabawal ng mga crucifix at iba pang Catholic images sa lahat ng Catholic Hospital sa bansa. Ilan lamang ito sa mga sinisigaw at patuloy na ipinaglalabang karapatan at ang hindi masilayang kalayaan ng mamamayan.

Tila hindi na ngayon ramdam ng mamamayan ang kasarinlan na ating natamasa. Hindi ito ngayon ramdam ng nakararami sapagkat, nalilimitahan ang kanilang karapatan gaya ng mga ipinapanukalang batas na hindi malinaw sa isipan ng masa o nang taumbayan. Sila mismo ang lubos na naapektuhan at tila hindi ito pinag-iisipang mabuti ng mga nagsusulong na mga bagong panukalang mga batas. Bakit po hindi muna natin unahin linangin ang mga usaping may kinalaman sa COVID-19 pandemic, at unahin muna ang pagtulong sa taumbayan, at hindi ang pamumulitika ng nagpapapansin sa kaliwa’t kanang camera na sila ang nagiging laman ng mga pahayagan.

Pasalamat na lamang po tayo na marami pa ring mga indibidwal ang patuloy na tumutulong para sa lahat. Gaya ng mga sikat na personalidad sa bansa, mga artista, mga ordinaryong indibidwal na may kakayahang tumulong sa mga nangangailangan, at maging ang iba’t ibang organisasyon sa loob at labas ng bansa ay nag-aabot ng kaunting maitutulong sa mga kababayan natin at makapagbigay ngiti’t kasiyahan na kanilang naipadarama sa bawat natutulungan nilang indibidwal ngayong may pandemya. Patunay lamang ito na mayroong kalayaang umiiral sa bawat puso ng mga tumutulong sa ating mga kababayan.

Sakabila ng lahat, huwag nating ipagsawalang bahala ang kasaysayan ng ating bansang Filipinas. Huwag po tayong makalilimot sa tunay na kahulugan ng kasarinlang ating natamasa. Nawa’y isama natin sa ating mga adhikain ang mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay para isaalang-alang ang ating bayan.

Marahil, ito na ang bagong kasarinlan na ating napagtagumpayan laban sa pandemyang patuloy na nagpapalumpo sa ating lahat at sa ibang bansang lubos ding naapektuhan nito. Iparamdam natin na ang kasarinlan ay hindi lamang kasaysayan ng ating bayan, kundi ang kasarinlan ay matatagpuan sa ating mga sariling kakayahan na handa tayong tumulong at magparaya para sa ikabubuti ng lahat at hindi sa sariling interes o kapakanan lamang. Huwag po tayo mawalan ng pag-asa, kaMilenyo, sisibol ang bagong umaga. (TNRM)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post No stormy weather for “Grand Mananita” protesters on Independence Day
Next post PHOTO NEWS: Higanteng flag isinabit ng Sultan Kudarat sa harap ng kapitolyo nito ngayong-araw

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: