
Matanda na palaboy-laboy sa kalye tinulungang makauwi ng isang opisyal ng PNP sa Sultan Kudarat
ISULAN, Sultan Kudarat — Isang nakakaawang “senior citizen” na umano’y natutulog sa kalye ang tinulungang makauwi ng isang opisyal ng PNP kaninang umaga sa kanilang lugar, ayon sa isang netizen.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ayon kay Ms. Jescel Baltazar, pauwi na siya kahapon ng madaanan niya ang isang lalaki at ang isang babae na kinakausap ang isang matanda. Lumapit ito para alamin kung ano ang nangyayari.
“Kinukumbinsi ng lalaki na umuwi ang matanda at handa itong ihatid sa kanilang lugar. Ilang beses na kasi daw na kinukumbinsi ng nasabing lalaki na umuwi ang matanda pero ayaw nito,” ayon kay Ms. Baltazar sa interbyu sa kanya ng DIYARYO MILENYO.
Pero matapos ang ilang negosasyon ng lalaki sa matanda, nakumbinsi rin niya ito na umuwi na. Natutulog lang sa nasabing lugar ang matanda.
“Kaawa-awa ang kalagayan ng matanda,” sabi ni Ms. Baltazar na isang empleyado ng DPWH sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Ayon kay Ms. Baltazar, hindi niya kilala ang nasabing lalaki pero ng magtanong-tanong siya napag-alaman niya na ang nasabing lalaki ay opisyal pala ng Philippine National Police (PNP).
“Saludo ako sa ganong mga opisyal PNP na may puso para sa mga matatanda na nagangailangan ng tulong sa panahion ngayon na nasa gitna tayo ng pandemya ng COVID-19,” sabi ni Ms. Baltazar.
Ayon kay Ms. Baltazar, binigyan ng pagkain at hinatid na ng nasabing opisyal ng PNP ang matanda sa kanilang lugar. (RASHID RH. BAJO/PHOTO CREDIT TO Ms. JESCEL BALTAZAR)