
SHOWBIZ: Sining para sa mga biktima at Frontliners ng COVID-19
Ilang bituin nagpa-subasta ng mga gawang sining para sa biktima at frontliners ng Covid-19.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Habang nadaragdagan ang mga biktima sa Covid-19, ang ilang personalidad at bituin ay nakaisip ng paraan para makatulong sa mga kababayan at frontliners.
Tulad na lamang ng mga singer na sina Mark Bautista at Raymond Lauchengco, kung saan may angking galing din sa sining.
Gamit ang kanilang social media accounts, isinubasta nila ang kanilang mga gawa tulad na lamang ni Mark na itinampok ang kanyang mga painting at tampok naman ni Raymond ang mga produktong gawa niya sa pag-ukit ng kahoy at iba pang scrap materials.
Ang mga kikitain ni Mark sa pag-subasta ng kanyang mga gawang sining ay mapupunta sa donasyon bilang bahagi ng COVID-19 relief efforts.
Samantala ang partial na kikitain sa mga gawa ni Raymond Lauchengco ay mapupunta sa National Live Events Coalition. (NI BENJAMIN DUCAY GARCIA)
