Governor Mangudadatu namahagi ng “farm equipments”sa rebel returnees sa gitna ng COVID-19 pandemic

Read Time:1 Minute, 46 Second

BULUAN, Maguindanao — Masayang tinanggap ng “rebel returnees” ang “farm equipments” na ibinigay ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu para magamit nila sa kanilang pagbabagong-buhay sa ilalim ng gobyernong “Makabagong Maguindanao.”

Mismong si Governor Bai Mariam ang nagkaloob sa kanila ng nasabing mga gamit-pangsaka sa isang simpleng-seremonya na ginanap sa bagong-tayo na kapitolyo sa bayan ng Buluan noong May 20, 2020. Kasama ng nasabing gobernadora si Provincial Administrator Mohajeran K. Balayman sa pamamahagi ng mga sinasabing farm equipments.

Ang pamamahagi ng nasabing mga gamit-pangsaka ay bahagi ng “Economic Recovery Program due to COVID-19 through the provision of Livelihood/Agriculture Machineries to the Rebel Returnees.”

“Ang Makabagong Maguindanao ay nagsisikap na matugunan ang mga pangangailangan ng ating rebel returnees at mga kapatid nating magsasaka sa pamamagitan ng pag-utilize sa malawak na lupain at masaganang-agrikultura ng ating probinsya,” sabi ni Governor Mangudadatu sa kanyang mensahe bago nito ipinamahagi ang nasabing mga gamit-pangsaka.

Ang programang “Agrikulturang Masagana” ng pangalawa sa “10-Point Socio-economic Development Agenda’ ng Makabagong Maguindanao na siyang nagsisilbi na “guiding principle” ni Governor Mangudadatu sa pamamahala ng probinsya.

“Kaya po tayo may ganitong programa, kung saan ang layunin natin ay ipadama sa mga magsasaka at sa mga rebelde na gustong bumalik sa renda ng gobyerno na ang Makabagong Maguindanao ay may puso para sa kanila,” giit ni Governor Mangudadatu.

Naniniwala si Governor Mangudadatu na “kung may sapat na kabuhayan ang bawat mamamayan hindi malayong magkaroon tayo ng isang masagana at tahimik na probinsya.

Umapela naman ng suporta mula sa mga residente si Governor Mangudadatu sa pagpuksa COVID-19, kung saan patuloy na nanalasa sa ibat-ibang bahagi ng mundo, partikular na sa bansa ng Pilipinas.

“Magtulungan po tayo para proteksyonan ang ating probinsya laban sa coronavirus. Sundin po natin ang lahat na health at safety protocols na ipinalabas ng DOH at IATF,” giit ni Governor Mangudadatu.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, pinasalamatan ni Governor Mangudadatu ang PNP, AFP at ibat-ibang mga sektor sa patuloy nilang suporta at paniniwala sa kanyang liderato. (RASHID RH. BAJO/PHOTO CREDIT TO BABAI A. KASALIGAN FB ACCOUNT)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post M/V PAX MERS naghatid ng mga serbisyo sa Bonggo Island sa Parang, Maguindanao
Next post Vice Mayor ng Shariff Saydona Mustapha inaabot ng gabi sa pagre-repack ng relief goods
%d bloggers like this: