PROBINSYA

M/V PAX MERS naghatid ng mga serbisyo sa Bonggo Island sa Parang, Maguindanao

PARANG, Maguindanao — Ang Hunyo 6 (buwan ng Hunyo 2020) ay ang petsa na hindi pwedeng kalimutan ng mga residente ng Bonggo Island sa bayan na ito. Mananatili itong nakatatak sa kanilang mga puso at isipan. 

Bakit? Dahil sila ang kauna-unahang mga benepisaryo ng mga serbisyong-medikal na hatid ng “M/V PAX MERS, kung saan tinagurian na kauna-unahang “floating hospital” sa Mindanao na ginawa ng probinsya ng Sultan Kudarat.

Ang nasabing barko ay ipinangalan sa dating gobernador at kongresista ng Sultan Kudarat na si Sultan Pax Mangudadatu na tinagurian naman na “the first elected Muslim governor” ng nasabing probinsya.

Ayon sa report, ang nasabing barko ay naglalalaman ng “modern hospital equipments” na pinamamahalaan ng mga doktor na handing magbigay ng ibat-ibang mga serbisyong-medikal.

Ang unang paglayag ng M/V PAX MERS sa Bonggo Island ay bahagi ng “partnership” nila Governor Datu Suharto “Teng” Mangudadatu ng Sultan  Kudarat at ng misis nito na si Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ng Maguindanao.

Ayon sa report, ang nasabing dalawang gobernador ay nangakong magtulungan upang makapaghatid ng ibat-ibang mga uri ng serbisyo sa kanilang mga mamamayan.

Ayon naman kay Governor Bai Mariam, labis ang pasasalamat nito sa provincial government dahil sa ibinigay nitong suporta sa kanyang administrasyon at sa kanyang mga adhikain sa ilalim ng “Makabagong Maguindanao,” kung saan matagumpay nitong naipakita at naiparamdam sa mga residente ng kanyang probinsya ang tunay na serbisyo.

Sa kasalukuyan, umaani na ng mga papuri si Governor Bai Mariam mula sa kanyang mga nasasakopan dahil nakita nila kung paano ito magpatupad ng mga programa at bumuhos ng mga proyekto na nakakapagbigay sa kanila ng pag-asa at kaginhawaan.

Ayon sa report ni DJ FM Mantawil ng DXDouble-I 97.5 Splash FM at Radyo Pilipinas na nakabase sa bayan ng Parang, Maguindanao, abot-langit ang tuwa ng mga residente ng Bonggo Island ng dumaong sa kanilang pantalan ang M/V PAX MERS noong gabi (7:34 PM) ng June 6.

Namahagi ng “food packs” ang mga relief personnel ng probinsya ng Maguindanao at nagbigay ng mga serbisyong-medikal sa mga residente doon ang medical team, ayon pa kay Dj FM Mantawil.

Sa interbyu nito kay 1st District Board Member Mashour Biruar, ang nasabing pamamahagi ng mga ayuda at pagbibigay ng ibat-ibang mga uri ng serbisyong-medikal ay alinsunod sa utos nila Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu at Vice Governor Lester Sinsuat sa gitna ng ng COVID-19 pandemic.

Nagpapasalamat naman ng malaki si Parang Mayor Cahar Ibay sa provincial government sa pagbigay nito ng tulong sa Bonggo Island. (RASHID RH. BAJO with reports from ABDUL CAMPUA/PHOTO CREDIT TO DJ FM MANTAWIL)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.