PROBINSYA

Mayor Bai Leah Sangki pinuri ng IPHO-Maguindanao dahil sa mabilis na pagpagawa ng “Ligtas COVID Center” nito

MAGUINDANAO, BARMM, Philippines — Pinuri ni acting-Provincial Health Officer Dr. Elizabeth A. Samama ng probinsya ng Maguindanao si Mayor Bai Leah G. Sangki, Al-Hadja dahil sa “inisyatibo” nito na nag-resulta sa mabilis na pagkagawa ng “Ligtas COVID-19 Center” sa bayan ng Ampatuan.

Si Dr. Samama ang “guest of honor” sa ribbon cutting ceremony ng “Ligtas COVID Center” na ginanap noong May 28, 2020 sa nasabing munisipyo. Mismong si Mayor Ampatuan ang nag-imbita kay Dr. Samama para personal na dalohan at pangunahan ang pagbubukas nito.

Ayon kay Mr. Rich Teodoro, empleyado ng LGU-Ampatuan, maliban kay Dr. Samama, dumalo rin sa nasabing okasyon ang ilang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP). Saksi rin ang mga opisyal at mga empleyado ng ibat-ibang mga tanggapan ng nasabing munisipyo, tulad ng MHO, MILG, MDRRMO, MSWDO at DSWD ng probinsya, sa nasabing seremonya doon.

Nakita din ang presenya ng mga kawani ng Bureau of Fire and Protection (BFP), Department of Education (DepEd) at ilang mga miyembro ng mamamahayag.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Dr. Samama na “kapuri-puri” ang ginawang mga hakbang ni Mayor Sangki at naniniwala ito na malaki ang maitutulong ng nasabing center sa pakikipaglaban ng probinsya laban sa COVID-19, kung saan milyon-milyon na mga tao sa ibat-ibang bahagi ng mundo ang hinagupit nito.

Iginiit ni Dr. Samama ang kahalagahan ng pagpapatayo ng nasabing center dahil sa inaasahang pag-uwi ng mga residente na nakatira sa bayan ng Ampatuan.

Ayon kay Dr. Samama, puno na ang “isolation facilities” ng IPHO-Maguindanao at kinakailangan na ang tulong ng lokal na mga pamahalaan ng probinsya.

“Nagpapasalamat ako ng malaki at mayroon tayo na ganitong center sa bayan ng Ampatuan,” sabi ni Dr. Samama. (RASHID RH. BAJO with reports from ABDUL CAMPUA/PHOTO CREDIT TO RICH TEODORO)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.