PROBINSYA

Natanggap na ng LGU-Buldon ang SGLG cash prize na P2.3-M, ayon kay Mayor Abolais Manalao

MAGUINDANAO, Philippines — Natanggap na ng LGU-Buldon sa probinsya ng Maguindanao ang premyo nito sa pagkamit ng “Seal of Good Local Governance” (or SGLG) award noong 2019, ayon kay Mayor Abolais Manalao.

Napag-alaman ng DIYARYO MILENYO na noong 2017 at 2018 ay nasungkit din ng LGU-Buldon ang nasabing prestihiyoso na parangal mula sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Kasabay ng nasabing cash incentive na nagkakahalaga ng P2.3- Million ay ang SGLG seal.

Ayon kay Mayor Manalao, personal na inabot sa kanya ni MILG BARMM Minister Atty. Naguib Sinarimbo ang nasabing premyo at SGLG seal sa isang simpleng seremonya.

Sinabi ni Mayor Manalao na ang nasabing premyo ay ilalaan sa mga proyekto ng kanilang munisipyo.

Ayon kay Mayor Manalao, ilalaan niya ang nasabing pera sa “Economic Recovery Plan” ng LGU-Buldon.

Pinasalamatan nito ang mga empleyado at ang lahat na mga residente dahil sa patuloy nilang paniniwala at suporta sa kanyang liderato.

Napag-alaman din ng DIYARYO MILENYO na tumanggap din ng cash prize na P2.3-M ang munisipyo ng Buldon mula sa BARMM dahil sa pagkasungkit nito uli ng nasabing SGLG award. (APRIL CANONEO with reports from Bandera News Tv Cotabato/PHOTO CREDIT TO BANDERA NEWS TV COTABATO)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.