
5 barangay sa QC, inilagay sa special concern lockdown
Inilagay ng pamahalaang lokal ng Quezon City sa special concern lockdown ang ilang bahagi ng piling barangay kasunod ng pagtaas o dagdag kumpirmadong kaso ng COVID-19 case sa nasabing lungsod na umabot na sa 2,365.
Ang mga barangay na ito ay ang Sitio Militar sa Brgy. Bahay Toro; Calle 29 sa Libis; Kaingin Bukid sa Apolonio Samson; 138 Ermin Garcia Street at 52 Imperial Street sa E. Rodriguez.
Nasa 965 pa umano ang aktibo sa nasabing bilang ng kaso ng COVID-19.
Nakapagtala naman 1,304 na kaso ng mga gumaling habang ang mga nasawi ay umabot sa 208.
Samantala, narito ang karagdagang localized guidelines sa patuloy na pagpapatupad ng General Community Quarantine (GCQ) sa lungsod Quezon.
Maaaring i-download mula dito ang buong file:
Click to access MEMO-GCQ_Additional_Guidelines_14-June-2020.pdf
(Ulat ni Rex Molines | Photo courtesy: MSN.news)