
Bakuna na dini-develop sa US vs COVID-19, handang ibahagi sa mga alyadong bansa ayon kay Lorenzana
HANDANG ibigay ng United States of America (USA) ang madidiskubreng bakuna kontra COVID-19, ayon kay US Defense Secretary Mark Esper na sinapubliko naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ipamamahagi raw ng USA ang kanilang madi-develop na bakuna laban sa nakahahawang sakit sa mga kaalyado nitong bansa, ani Lorenzana.
Ipinarating ito ni Esper sa conference call kay Lorenzana, kung saan nagpasalamat ang Department of National Defense (DND) sa tulong ng Amerika sa donasyon ng mga medical supply para mapuksa ang krisis sa COVID-19 pandemic.
Aniya, maganda ang progress ng pag-develop ng vaccine sa USA kung kaya’t handa ang nasabing bansa sa pagtugon upang maibahagi ang vaccine kontra COVID-19. (Ni Rex Molines via Manila. Photo courtesy: MB)