
DINGDONG DANTES NAGLUNSAD NG DELIVERY APP
Dingdong Dantes nag-launch ng isang delivery app para makatulong sa mga nawalan ng trabaho dahil sa Covid-19.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Nitong Huwebes, June 11 ni-launch ng aktor na si Dingdong Dantes, ang Ding Dong PH at ito ang bagong pinagkaka-abalahan ng aktor sa ngayon.
Ang bagong launch na negosyo ng aktor ay para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemic at kabilang na rito ang industriya ng showbiz, pagkain, negosyo at turismo.
Naging inspirasyon ng aktor ang kanyang asawa (Marian Rivera- Dantes), na kung saan mayroong flower business.
Ayon kay Dingdong ito rin ang nagtulak sa kanya upang i-push ang Ding Dong PH lalo na malaking ang naging epekto ng Covid-19 pandemic sa showbiz industry at malaking tulong ito para sa mga kaibigan at kasamahan niya sa industriya.
“Nu’ng inisip ko siya, gusto ko solutions-based. Identify the problem first then I cater solutions specifically”. Ayon pa sa Actor.
Pinusuan naman ng mga fans at netizens ang instagram post ng kanyang misis na si Marian Rivera na may hashtag na #YouRingitWeBringit bilang pag suporta sa bagong launch na negosyo ng kanyang mister. (Ni BENJAMIN DUCAY GARCIA)