Kapamilya Channel, nagsimula ng umere kahapon, Hunyo 13

Read Time:1 Minute, 12 Second

Mahigit dalawang buwan buhat ng ipahinto ang pag-ere ng ABS-CBN Broadcasting Network sa bansa dahil sa mga kinahaharap na kontribersiya nito.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Kahapon ay nagsimula na ngang umere ang KAPAMILYA Channel at sabik na inabangan ito ng mga tagasubaybay. Isa itong 24-hour channel na magpapalabas ng mga programang na-acquire o naprodyus ng ABS-CBN.

Simula Sabado ng umaga, mapapanood ang “Epol Apple,” “Sineskwela,” “Bayani,” “Hiraya Manawari,” “It’s Showtime,” “Kuha Mo,” “SOCO,” at “Kapamilya Action Sabado.”

Sa Linggo naman ang “Wikaharian,” “Mathdali,” “Bayani,” at “Hiraya Manawari” at “G Diaries”.

Ang mga TV Shows na ipinalalabas dito ay mapapanood sa Sky Cable channel 8 at channel 167 para sa HD, channel 8 sa Cable Link, channel 2 sa G-Sat at mga local at satellite TV providers nationwide.

Mayo 4 matapos mapaso ang kanilang prangkisa, at Mayo 5 naman nang itigil ng ABS-CBN ang broadcasting ng kanilang channel at mga radio station bilang pagsunod sa cease and desist order ng NTC.

Samantala, patuloy ang pagdinig ng Kamara hinggil sa nakabinbin na bagong prangkisa ng nasabing media broadcasting company sa bansa.

Patuloy pa ring nagtitiwala at naniniwala ang mga tagasubaybay ng lahat ng programa ng ABS-CBN na muling masisilayan ang mga bituin ng TV Network sapagkat ang mga programa nito ay sadyang nagbibigay kasiyahan at kagalingan sa mga may sakit at makalimot panandalian sa mga problemang kinahaharap ng bawat indibidwal at ng sambayanan. (Kristoff J.P)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post SPORTS: Sa Hulyo 30 ang target date sa restart ng 2019-2020 season ng NBA
Next post Mayor Marop and wife Bai Emarie partner for relief efforts in the midst of COVID-19 pandemic

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d