Vice Mayor ng Shariff Saydona Mustapha inaabot ng gabi sa pagre-repack ng relief goods

Read Time:1 Minute, 28 Second

MAGUINDANAO, BARMM, Philippines — Alam ba ninyo na si Vice Mayor Bai Zandra S. Ampatuan, kasama ang mga anak nito at ang ilang volunteers, ay inaabot ng gabi sa pagre-repack ng “food packs” para sa mga mamamayan na apektado ng COVID-19 sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha (SSM) sa probinsya ng Maguindanao?

Ayon sa isang netizen na residente rin ng nasabing munisipyo, kahit pagod na pero masaya pa rin si Vice Mayor Ampatuan sa ginagawa nito dahil nakakatulong ito sa paghahanda ng “relief goods” para sa kanyang mga kababayan na umaasa lamang sa tulong na maibibigay ng kanyang munisipyo sa panahon ng “virus crisis.”

Bilang isa sa mga mataas na opisyal ng kanilang munisipyo, obligasyon at responsibilidad nito na gampanan ang kanyang tungkulin sa abot ng kanyang makakaya dahil ayaw nitong magutom ang kanyang mga kababayan sa gitna ng pademya ng COVID-19.

Ayon kay Vice Mayor Ampatuan, kahit pagod ito pero OK lang sa kanya at masaya sila ng kanyang mister na si Mayor Datu Sajid Islam Uy Ampatuan, kasama ang kanilang mga anak, na nakakatulong sila sa kanilang mga kababayan.

Gusto ng dalawang mga opisyal na sa kanilang munisipyo, walang magugtom at lahat ay nakakatanggap ng mga ayuda mula sa LGU ng Shariff Saydona Mustapha (SSM).

Ayon sa isang residente doon, sa bayan ng SSM, “lahat ay nagtutulungan para sa kabutihan at kapakanan ng lahat.

“Sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha, ang mamamayan ang bida!” sabi ng residente.

Sa kasalukuyan, patuloy pa ring namamahagi ng “food packs” ang mga opisyal doon  sa mga residente. 

“Umulan man or umaraw, tuloy ang pamamahagi ng mga ayuda sa mga residente. Ganon maglingkod ang mga opisyal ng SSM,” sabi ng isang empleyado doon. (ABDUL CAMPUA/PHOTO CREDIT TO LGU-SHARIFF SAYDONA MUSTAPHA)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Governor Mangudadatu namahagi ng “farm equipments”sa rebel returnees sa gitna ng COVID-19 pandemic
Next post SPORTS: Sa Hulyo 30 ang target date sa restart ng 2019-2020 season ng NBA
%d bloggers like this: