
Iza Calzado, emosyunal nang mag-donate ng kanyang blood plasma
Aktres at Covid-19 Surivor na si Iza Calzado, emosyunal nang mag-donate ng kanyang blood plasma sa isang ospital bilang tulong sa mga expert na gamutin ang ilang biktima ng Covid-19.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Isinakto ni Iza ang pag-donate ng kanyang blood plasma noong Biyernes, June 12 sapagkat ito rin ay kaarawan ng kanyang ina.
Ayon sa kanyang instagram post, “I never knew that giving my blood would be such an emotional moment for me. Perhaps it’s because, as a Covid-19 Survivor, I truly felt that this was one of the most powerful ways I could help my fellow Filipinos during this time. ”.
Matatandaan nitong march 28, nagpositibo ang aktres sa Covid-19 at matapos ang tatlong araw masayang ibinahagi ng kanyang manager na si Noel Ferrer na negative na si Iza sa sakit. (Ni Benjamin Ducay Garcia)