INILUNSAD ng Lalamove ang kanilang pinakabagong delivery type system na ‘LalaJeep’ na mag-ooperate lamang sa Quezon City.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Nagsimula nang pumasada ngayong araw ang mga LalaJeep o pampasaherong jeepney na gagamitin para sa delivery ng mga gamit lamang.
Bahagi ito ng programa ng Quezon City government at Lalamove upang mabigyan ng pagkakakitaan ang mga jeepney driver na hindi pa pinapayagang pumasada.
Simula ngayong araw Hunyo 15 hanggang Agosto 15, makikita ng kanilang mga customer ang Lalajeep na pinakabagong delivery type system mismo sa Lalamove app. Ang project ng Lalamove at ng Quezon City government ay available lamang sa nasabing lungsod at epektibo lamang ito sa loob ng dalawang buwan batay sa petsa na inilahad.
“Since our jeepney drivers are directly affected by the continuing community quarantine, this LalaJeep program is a welcome initiative that will provide alternative livelihood for them. We are grateful to Lalamove for piloting this program in Quezon City,” ani Mayor Joy Belmonte.
Sa katunayan, mahigit 200 jeepney drivers sa nasabing lungsod ang nag-signed up para maging bahagi ng nasabing programang ito upang maitawid din nila ang pangangailangang pinansyal ng kani-kanilang mga pamilya habang nasa ilalim pa ng community quarantine ang lungsod.
“This project is aligned with Lalamove’s goal to empower communities and uplift the livelihood of those who are heavily affected by the pandemic.” saad naman ni Dannah Majarocon, ang Managing Director ng Lalamove Philippines.
“This will allow our services better to suit every business owner and day-to-day user’s delivery needs. This project is a testament that, with governmental support, we can deliver possibilities faster,” dagdag pa ni Majarocon.
Kaugnay nito, maaring magkarga ang bawat jeepney ng hanggang 300 kilo ng gamit na ipapa-deliver saan man sa nasabing lungsod. (Ni Rex Molines via NCR / Photo courtesy: ClickTheCity.com)