VP Leni, nakiisa sa pagtulong sa mga na-stranded na mga pasaherong magbabalik probinsya

Read Time:1 Minute, 7 Second

Patuloy ang pakikipagtulungan ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo sa mga lokal na pamahalaan para makauwi ang mga na-stranded nating kababayan sa kani-kanilang probinsya.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Sinisigurado ng Office of the Vice President (OVP) na ligtas na makakauwi ang mga na-stranded nating kababayang magbabalik probinsya. Kaya naman, sumailalim ang mga mananakay sa disinfection procedures at temperature check bago makasakay ng bus.

Umaabot na sa 784 na locally stranded individuals (LSIs) ang kanilang natulungan, kabilang na ang mga taga-Albay, Quezon Province, Sorsogon, Camarines Norte, Camarines Sur, Samar, at Masbate.

Namigay rin ng hot meals at iba pang makakain sa mga pasahero upang mapawi ang gutom at pagod.

Aniya, kailangan ng LSI ang ilang mga dokumento na magpapatunay na sila ay magbabalik probinsya gaya ng medical certificate at ang authorization mula sa lokal na pamahalaan ng kanilang uuwiang lugar.

Ang pagtulong ng OVP ay bahagi ng kanilang inisyatibong makapaglingkod lalo na ngayong nagpapapatuloy ang community quarantine sa bansa kung saan limitado rin ang transportasyon.

Samantala, pinasalamatan naman ni VP Leni ang Redemptorist Church sa Parañaque City at ang mga LGUS’s na nakiisa sa pagtugon na makapaglingkod at ang bus liner company na siyang naghahatid sa mga kababayan nating nais ng makabalik sa kanilang mga probinsya. (DM | PHOTO COURTESY FROM THE OFFICIAL FACEBOOK PAGE OF VP LENI ROBREDO)

https://www.facebook.com/VPLeniRobredoPH/

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post 5 barangay sa QC, inilagay sa special concern lockdown
Next post A beauty’s proud moment with Secretary Mark Villar

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: