Banner Story

DOH, naaalarma dahil sa kakulangan ng suplay ng dugo sa mga blood bank ngayong pandemya

NAAALARMA ang Department of Health (DOH) dahil sa kakulangan ng suplay ng dugo sa mga blood bank ngayong nahaharap tayo sa COVID-19 crisis.

Ito ay lubos na kinababahala ng nasabing kagawaran na kung hindi pa rin makakapag donate ng dugo ang mga blood donor dahil sa banta ng pandemya sa bansa ay maaring mangyari na magkaroon ng kakapusan ng suplay ng dugo para sa higit na ngangailangan nito gaya ng mga pasyenteng may mga malulubhang sakit at ang mga naaaksidente na ngangailang din ng dugo.

Dahil sa marami ang naantalang blood letting program mula ng magkaroon ng pandemya sa bansa. Bibihira na lamang ang nagdodonate ng dugo sa mga blood bank ngayon.

Kung noon ay nakakalikom ang Philippine Blood Center ng 4000 hanggang 5000 bag ng dugo kada buwan. Nitong nakaraang Abril ay halos pumalo na lamang sa 400 bag ng dugo ang nakukuha mula sa mga blood donor. Halos 10% porsyento ang ibinagsak nito mula ng magka-pandemya. Aniya, kulang na kulang ito sa halos 500 bag ng dugo ang inilalabas nila kada linggo.

“Alarming sya kasi, isang ina ang nanganak at nagkaroon sya ng agony o pagdurugo, so saan tayo kukuha ng dugo na maari nyang ikamatay din ‘yun? Maging ang mga naaksidente na kailangan din ng dugo, wala tayong maibibigay na dugo so ‘yun ang very alarming.” Ani Dr. Pedrito Tagayuna, Head of Philippine Blood Bank sa isang panayam sa kanya ng Headline Pilipinas.

Giit naman ng Philippine Red Cross Blood Center (PBC) na walang dapat ikatakot ang mga blood donor at ang mga nagnanais na magdonate ng dugo sapagkat hindi naman ospital ang blood bank at walang COVID cases dito. Aniya, susunduin naman ng kanilang tanggapan ang mga blood donor at ihahatid din pauwi sa kani-kanilang bahay. May ibibigay din na blood pass ang PBC para sa mga may sarilibg sasakyan na nais ding mag donate ng dugo.

Kinakailangan din sumailalim sa mga pagsusuring medikal ang mga magdodonate kung sila ba ay walang naging sakit o hindi inffected ng nakamamatay na virus.

Samantala, para sa mga nagnanais mag-donate ng dugo, bisitahin lamang ang official website ng Philippine Red Cross. (Ni REX MOLINES | PHOTO COURTESY: PBC)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.