
Ilang bituin idinaan sa isang video ang pagkontra sa anti-terrorism bill
Nagsama-samang nagpahayag ng opinyon ang ilang bituin at personalidad laban sa Anti-Terrorism Bill.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Sa isang video post sa facebook ng Voyage Studios, nagsama-sama ang ilang artista upang bigkasin ang “The Great Dictator Speech” ni Charlie Chaplin kung saan isinalin ito sa Filipino ng film writer na si Rody Vera.
Nakilahok rito sina Iza Calzado, Enchong Dee at ang mag-asawa na sina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza.
Nagpahayag din sina Agot Isidro, Gabe Mercado at Mae Paner ukol sa nasabing batas.
Ang talumpati ay nagtapos sa isang imbitasyon na binitawan ni Glaiza de Castro at ayon sa kanya “ Mga kababayan, sa ngalan ng demokrasya, magkaisa tayo.”
Matatandaan lagda na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan upang maisabatas ang Anti-Terrorism Bill. (Ni Benjamin Ducay Garcia)