DAIGDIG

Dexamethasone, itinuturing na ‘major breakthrough’ ng mga Siyentipiko kontra COVID-19

ITINUTURING na “major breakthrough” ng mga Siyentipiko ang DEXAMETHASONE, isang murang gamot at malawakang ginagamit na steroid, at ito rin ay naging unang gamot sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 na tunay ngang nakaliligtas ng buhay laban sa nakamamatay na virus.

Inihayag ngayong Martes (Hunyo 17), ang naging trial results na dexamethasone na ginamit upang mabawasan ang ‘inflammation’ sa iba pang mga sakit, at nabawasan din ang bilang ng mga namamatay na may pinaka-malubhang sakit na COVID-19 na admit sa ospital.

Advertisement

Iminungkahi ng mga siyentipiko na namuno sa trial testing na dexamethasone na dapat ito ay maging pamantayan sa pangangalaga sa mga pasyente na may malubhang kaso ng COVID-19.

“This is a result that shows that if patients who have Covid-19 and are on ventilators or are on oxygen are given dexamethasone, it will save lives, and it will do so at a remarkably low cost,” saad ni Martin Landray, isang professor at co-leading ng recovery trial mula sa Oxford University.

“The only drug that’s so far shown to reduce mortality – and it reduces it significantly.” dagdag pa ng co-lead investigador na si Peter Horby.

Ang RECOVERY trial ay inilunsad noong Abril bilang randomized clinical trial upang masubukan ang isang saklaw ng mga potensyal na paggamot laban sa COVID-19, na may low-dose na dexamethasone at ang gamot para sa malaria o hydroxycholoroquine.

Sa kasalukuyan, wala pang naaprubahang gamot o bakuna para labanan ang nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19), na kumitil ng maraming buhay mahigit 434,000 sa buong mundo at patuloy pa rin itong nadadagdagan. (Ni REX MOLINES / PHOTO COURTESY: REUTERS)

SOURCE:

https://www.cnbc.com/2020/06/16/steroid-dexamethasone-reduces-deaths-from-severe-covid-19-trial.html?fbclid=IwAR1nZNX5r0_vFLQOAN4C_firoAWeVqW9PgJP3I-0L-CCmUiD9JYeROp3L2M


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.