
Aicelle Santos, ina-nounce ang kanyang unang pagbubuntis
Singer at theater actress na si Aicelle Santos buntis sa kanilang unang anak ni Mark Zambrano.
Sa isang instagram post dinaan ng singer ang kanyang announcement sa kanyang pagbubuntis nitong Miyerkules (June 17).
Ayon sa kanyang post, “You are our hope, that this world will become better. We can’t wait to meet you, anak. Your father and I love you so much.”
Ibinihagi din ng singer ang larawan ng kanyang baby bump na kasama ang kanyang mister (Mark) na excited na maging ama ng kanilang unang anak.
Samantala masayang- masaya ang ilang kaibigan, katrabaho at pamilya ng mag-asawa.
Ilang fans din ng singer ang nag-congratulate sa mag-asawa sa masayang chapter na ito.
Matatandaang ikinasal sina Aicelle at Mark sa Batangas noong November 2019. (Ni BENJAMIN DUCAY GARCIA)