
Fund raising para kay Lovely Embuscado
Krizza Neri nagbukas ng online donation drive para sa health treatment ni Lovely Embuscado.
Nagbukas ng online donation drive ang singer at performer na si Krizza para matulungan ang kaibagan niyang si Lovely na may dinaranas sa kanyang kalusugan ngayon.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Napabalitaan noong Enero ay na tagpuan si Lovely na walang tirahan at dumaranas ng sakit sa pag-iisip kasama ang kanyang pamilya.
Nang sumunod na buwan nagkaroon ng benefit show para kay Lovely kung saan nasilayan muli ang La Diva na binubuo nina Aicelle Santos, Maricris Garcia at Jona Viray na nagpasiklab ng kanilang awitin na Angels Brought Me Here.
Naging matagumpay naman ang impromptu event ng La Diva para makakalap ng funds para kay Lovely.
Ang nalikom na pera ay mapupunta sa treatment ng mental health ni Lovely, na ngayon ay nasa pangangalaga ng National Center of Mental Health at siya ay na diagnosed na may Schizophrenia.
Sa kabila nito, kailangan parin makalikom ng pera ang team ni Krizza, kaya naman sinimulan niya online campaign na crowd funding.
Saad niya “ The funds that we raised have helped Lovely immensely, but I’m afraid that they won’t last long and may not be enough to sustain her mental health treatment. Her monthly treatment can reach up to 20,000 or more depending on the doctor’s professional fee and tests.”
Sa lahat na nais magbigay ng tulong para kay Lovely, maaaring ipadala ang iyong mga donasyon sa pamamagitan ng https:/gogetfunding.com/help-fund-lovelys-mental-health-treatment/.
NI BENJAMIN DUCAY GARCIA