Tween Academy: Class of 2012, nag-reunion
Ilang bituin ng oriented show na “Tween Academy: Class of 2012” nag online reunion.
Muling nagsama-sama ang mga stars ng Tween Academy: Class of 2012 na sina Alden Richards, Barbie Forteza, Bea Binene, Derrick Monasterio, Joshua Dionisio, Kristoffer Martin, Lexi Fernandez at Louise Delos Reyes kasama ang direktor ng pelikula na si Direk Mark Reyes noong Biyernes, June 19 .
Tampok sa kanilang online reunion ang pagbabalik-tanaw sa mga memorable experience during na ginagawa ang pelikula pati narin sa pag-promote ng pelikula.
Nagkamustahan rin sila kung ano ang mga pinagkaka-abalahan ng bawat isa.
Matapos ang online reunion nag tweet si Kristoffer Martin at saad niya, “Ang saya nu’ng nagkausap kaming lahat kanina. Ang sarap isipin na lahat may kanya-kanyang path na kinuha at masaya sa mga ‘yon. Ang sarap alalahanin nu’ng dati. Ang sarap sa feeling na mahal namin isa’t isa. Dala namin ‘to hanggang tumanda.” (Ni Benjamin Ducay Garcia)