ROSARIO, CAVITE – Sa kabila ng pandemyang kinakaharap ng bansa ay hindi nakalimutan ng ilang institusyon na bigyan ng munting handog at pasasalamat ang mga tsuper ng pedicab na pansamantalang nahinto ang hanap-buhay dahil sa lockdown.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
Aabot sa mahigit 100 pedicab driver na bumabyahe sa bayan ng Rosario, Cavite ang nabigyan ng biskwit bilang regalo para sa Father’s day nitong nagdaang linggo.
Handog ito ng Rebisco Foundation at grupo ng K’CYMBOLO para sa pagdiriwang ng Fathers Day at layong maibsan ang kinakaharap na problema ng mga tsuper ng pedicab sa Rosario, Cavite na umaaray na sa mahigit dalawang buwang lockdown.

“Napakasarap sa pakiramdam na makatanggap ng ganitong regalo, sa kabila ng hirap na pinagdadaanan namin ay may mga mabubuting loob pa rin na handang tumulong at magbigay ng konting saya sa mga kagaya namin.” pahayag ni Wantaym Cuello, isang pedicab driver na nabigyan ng munting regalo mula sa Rebisco Foundation.

Patunay lamang ito na maliit man o malaki ang tulong na binibigay natin sa ating kapwa ay hindi maikakaila na merong itong malaking ambag upang maibsan ng ating mga kababayan ang problemang ating kinakaharap.

“Ito ang unang pagkakataon na ginawa ng grupo ng K’CYMBOLO katuwang ang Rebisco Foundation para sa pagdiriwang ng Fathers Day. Ipagpapatuloy po namin ito taun-taon, dahil napaka-sarap naman talagang tumulong sa kapwa. Maraming salamat sa Rebisco Foundation at lagi silang nandyan upang maging bahagi ng ating pagmamalasakit sa kapwa…”, paglalahad ni Ivan Cuello, opisyal ng grupo ng K’CYMBOLO.
Ang grupo ng K’CYMBOLO ay binubuo ng mahigit kumulang 1000 kabataan mula sa Tramo, Brgy. Bagbag 1 at Brgy. Ligtong 3. (Ni SID SAMANIEGO)
One thought on “Munting Handog ng Rebisco Foundation sa mga Pedicab Drivers para sa selebrasyon ng Father’s Day”
Comments are closed.
Isa sa mga pinakapasaway na tao ngayong quarantine ang binigyan! Pwede namang mga magsasaka nalang