
SOFIA ANDRES, ISA NANG INA
Inihayag ng aktres na si Sofia Andres na isa na siyang ina.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ibinahagi ng aktres sa isang instagram video, ang kanyang pinagdaanan noong siya’y nagbubuntis.
Na-mention din ni Sofia ang mga taong laging na sa likod nila ni Daniel Miranda bilang mga bagong magulang.
Nabanggit din ng aktres sa kanyang partner at ayon sa kanya “Daniel has been there every step of the way. Every travel, night cravings, gatherings, and I’ll be there too in his train rides and classes… We are in this together.”
Nagpasalamat din si Sofia sa mga taong sumuporta sa kanyang journey sa pagiging ina.
Saad niya, “To the Mirandas who’s ever supportive. Especially to the two moms inspiring me to be a good one. Tita Angie and my mom.”
Ayon rin sa aktres ang pagiging ina ang nagpabago sa kanya.
Ang mensahe niya naman sa kanyang anak “To my dear Zoe, my princess, our sunshine, welcome to our lives”. (Ni Benjamin Ducay Garcia / Photo credit: PEP.ph)