SHOWBIS ATBP.

Panalangin para sa ama nina Mika at Angelika Dela Cruz

Aktress na si Mika Dela Cruz humihingi ng panalangin para sa kanyang ama.

Sa isang instagram post, idinaan ni Mika ang isang masamang balita patungkol sa kalusugan ng kanyang ama nitong Linggo, June 21.

Malubha na ang lagay ng kanyang ama na si Ernie Dela Cruz kaya naman humihingi siya ng panalangin mula sa publiko.

Ayon sa kanyang post “Daddy, words aren’t enough to express how sad, scared and broken I am right now. Sobrang sakit makita ‘yung kalagayan mo ngayon.”

“Nabigla tayong lahat, hindi tayo handa. I have now realized how precious each moment is and daddy I will forever be grateful for you.”

“You saved me. You accepted me with all your heart. Kaya daddy lalakasan ko loob ko, para sayo kasi we still need you. I STILL NEED YOU. Pinasa na kita kay Lord sabi ko siya na ang bahala. Mahal ka niya, mahal kita. Lalaban tayo. Please pray for my dad everyone. Please please please.”

Tulad rin ng kanyang kapatid na si Angelika Dela Cruz na humihingi rin ng panalangin para sa kanyang ama.

Ayon sa instagram post ni Angelika, “Dear Lord, please heal my father. I love him so much. He is a good friend, a good brother, a good son, he is a good husband, and a good father.”

“Please heal him, wash him with your precious blood, sanctify him Lord Jesus Christ.

“I pray for every child who has the same situation like me, I pray that they will be strong and that You will hear their hearts’ desires.”

“Every child needs a father and I need mine. I’m begging you please give my father a long life and heal him.”

Samantala nagbigay naman ng suporta ang ilang kaibigan at katrabahopara sa pamilya ng magkapatid (Mika at Angelika) sa showbiz industry tulad nina Iza Calzado, Judy Ann Santos at Ciara Sotto. (Ni BENJAMIN DUCAY GARCIA / PHOTO COURTESY: PIKAPIKA.PH)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.