Transgender Beauty Queen na si Kevin Balot, nilinaw ang kanyang stand patungkol sa pagsali ng ilang transwomen sa mga traditional beauty pageants.
Sa isang online “Queentuhan” noong Martes, June 23 hosted by Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kasama sina Mutya ng Pilipinas Intercontinental 2010 Carla Lizarda at Binibining Pilipinas International 2014 Bianca Guidotti, Ipinahayag ni Kevin na ang traditional pageants ay mananatiling buo ang prinsipyo at dapat natural-born women.
Saad ni Kevin “We transwomen always ask for equality. Us transgender women joining sa mga Miss Universe is not equality anymore.”
“Hindi lang ako sang-ayon sa gano’ng bagay kasi we have our own pageant. We have our Miss International Queen pageant, which is the most prestigious transgender beauty pageant,”.
Dagdag pa niya “If us joining pageant ng mga babae, hindi na siya equality e, parang asking too much na,” .
Ayon din kay Kevin “ transgender women can join “if organizers allow” but “we have to respect each other.”
Ang pahayag ng Transgender Beauty Queen ay nakatanggap ng halo-halong reaksyon at komento mula sa netizens at naging isa sa mga pinag-uusapan na topic sa Twitter.
Matapos ang podcast episode, ipinaliwanag ni Kevin ng kanyang mga pahayag sa ilang series of tweets.
Ayon sa kanyang tweets “Hello everyone! Gusto ko lang po i-clear ‘yung confusion. Hindi naman po sa naniniwala ako na hindi dapat sumali ang transgender women sa traditional pageants.”
“What I meant was bilang isang representative ng Miss International Queen, gusto ko lang na ma-recognize ang pageant na ito as the most prestigious pageant for transwomen. “I know na mali ako for saying na ‘too much’ na or ‘hindi na equality’ ‘yun pero just know na hinding-hindi po ‘yun ang paniniwala ko.”
Nagpasalamat naman ang Transgender Beauty Queen sa ilang netizens na nakaka-intindi sa kanya.
Aniya “Thank you for all your comments and bubulay bulayin ko po lahat yun para ma-improve ang way of thinking ko. Please know na kaisa nyo ako sa pakikipaglaban para sa pagkakapantay pantay ng lahat. I’m really sorry for the confusion,”.
Matatandaang kinoronahan si Kevin Balot bilang Miss International Queen 2012 at siya ay advocate ng LGBTQIA+ rights. (Ni BENJAMIN DUCAY GARCIA /PHOTO COURTESY: GMA NETWORK)