Dingdong Dantes, naglunsad ng samahan para sa mga Filipino Actors

Read Time:1 Minute, 45 Second

Ipinakilala ng aktor na si Dingdong Dantes ang isang samahan para sa mga actors ng showbiz industry at ito ang AKTOR (League of Filipino Actors).

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Ang organisasyon na ito ay binubuo ng mga artista sa telebisyon at pelikula na mayroong layunin na talakayin ang mga isyu na may kinalaman sa industriya at lipunan.

Ayon sa instagram post ng aktor, “ Bilang mga responsableng mamamayan naming gagampanan ang aming “papel” sa lipunan. We are the industry’s co-creators and collaborators. We are the country’s storytellers. We will work with you in building a stronger nation — one act at a time.”

Kabilang rin sa tungkulin ng organisasyon ay ang pakikipagtulungan ng Inter Guild Alliance sa paggawa ng heath and safety guidelines ng Covid -19 pati na rin ang pagtutok sa usapin patungkol sa pagbabanta sa artistic freedom at expression ng bansa.

Kinondena rin ng organisasyon ang pagpapa-prayoridad ng gobyerno sa pagpasa ng Anti-Terror Bill sa kabila ng COVID-19 crisis, ang pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN, at ang film production guidelines ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Ayon kay Dingdong sa isang Facebook livestream ng Film Workers Unite noong July 1, “ Maraming bumabatikos sa aming mga aktor kung bakit kami nakikisawsaw tungkol sa usaping panlipunan, politikal.”

Ngunit, may karapatan man kayong bumatikos sa ‘min, nais naming ipaalala na ang proteksyong sinisiguro ng Saligang Batas sa malayang pagsasalita at pamamahayag ay para sa lahat ng mamamayan ng republikang ito.

“Ang karapatan ay hindi lamang konsepto o kaisipan, ito ay dapat na buhayin sa diwa ng mga Pilipino.

“Kasi parang itong bisig na lalong tumitibay kapag ginagamit, nanghihina kapag hindi kumikilos.

Sa kanyang pagtatapos , “The democracy must be a continuing dialogue between the citizens and the government. And we will stand by our right to be heard, especially because we hold the good of our industry and our nation, in our heart.”

Ang ilang bituin na miyembro ng AKTOR (League of Filipino Actors) ay sina Agot Isidro,Cherry Pie Picache, Iza Calzado, Gabbi Garcia, Jasmine-Curtis Smith, at Richard Gutierrez. (Ni BENJAMINE DUCAY GARCIA | Photo courtesy: PEP.ph)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Paella a festive food for all occasion
Next post Daughter of DPWH employee finishes senior high with flying colors in Tacurong City

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d