COVID-19 VACCINE NG PHARMACEUTICAL GIANT NA PFIZER AT GERMAN PARTNER NA BIONTECH, POSITIBO ANG NAGING TRIAL RESULT

Read Time:1 Minute, 0 Second

Sa ginawang clinical trial ng kumpanyang parmasyutiko ng Pfizer at German partner na BIONTECH ay nagbunga ito ng positibong resulta ayon sa inilabas na datos ng mga kumpanya nitong Miyerkules, Hulyo 2, 2020.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Sa pagtatala, may kabuuang 45 respondent ng trial na isinagawa edad 18 hanggang 55 ang sumubok ng potensyal na bakunang dineveloped ng nasabing mga kumpanya. Nagbigay sila ng low or medium dose dalawang beses sa loob ng isang buwan sa mga respondent trial nito kung saan ay mas naging immune ang mga ito kumpara sa mga COVID-19 survivor batay sa preliminary result.

Ito na ang ikaapat na early-stage COVID-19 drug na nagpakita ng positibong resulta sa mga clinical trial at nakabuo ng antibodies kontra virus.

Kabilang din sa mga nakitaan ng potensyal na magpapagaling sa sakit na COVID-19 ay ang bakuna ng Moderna, Cansino, Biologics, at Inovio Pharmaceutical.

Ang potensyal na bakunang nilikha ng Pfizer at ng BioNtech ay kasalukuyang hindi pa nailalathala sa peer-reviewed medical journal.

Samantala, ayon na rin sa World Health Organization (WHO), mayroong 17 coronavirus candidate vaccines in clinical evaluations ang patuloy na pinag-aaralan sa buong mundo. (Ni Rex Molines | Photo Courtesy: Pfizer and BioNtech)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Congressman Hernandez turned-over more than P50-M worth of projects in 21 barangays in South Cotabato’s 5 towns
Next post Miss Earth Philippines 2020, kinoronahan na

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d