
Miss Earth Philippines 2020, kinoronahan na
Mula sa Baguio City ang kinoronahan bilang Miss Earth Philippines 2020 na si Roxanne Allison Baeyens. 33 na kandidata ang nagpatagisan ng ganda, talino at pagmamahal sa kalikasan ngunit isa lang sa kanila ang tanging namayagpag at ito ay si Roxanne Allison Baeyens na kinoronahan bilang Miss Earth Philippines 2020 nitong July 5.
Dahil sa pandemiya sa bansa ang naturang beauty pageant ay ginawa lamang through online. Ang tubong Baguio City na si Roxanne ay nagsusulong ng handwashing upang talunin ang virus na lumalaganap sa mundo ngayon at pino-promote rin ng newly crowned Miss Earth Philippines ang pagsusuot ng face masks upang makaiwas sa paglaganap ng Covid-19.
Nagkwento rin ang beauty queen patungkol sa kultura ng kanyang rehiyon at ayon sa kanya, “I get really thrilled when I have the opportunity to showcase my culture with pride. This costume symbolizes the strength and stamina of women from Cordillera. Proud Igorota, Proud Filipina!”
Ayon din sa sagot ni Roxanne sa kanyang final question and answer round, “A leader should display having a green thumb because at this point in time we have a shortage in the food supply so it’s important to open the eyes of people to embrace having a sustainable life to start urban agriculture at their own homes, after all, green life is a better life and I hope the leader will give that to us.”
Napanalunan din ni Roxanne ang Social Media award at siya ang magiging representative ng Pilipinas sa Miss Earth 2020 pageant.
Samantala kinoronahan naman si Patrixia Santos bilang Miss Philippines Air 2020; Miss Philippines Water 2020 naman si Maria Gianna Llanes ; si Shane Tormes ang Miss Philippines Fire 2020; at si Ilyssa Marie Mendoza ang itinanghal na Miss Philippines Eco Tourism 2020. (Ni BENJAMIN DUCAY GARCIA)