
Serbisyo ng mga barber shop at beauty salon mas pinalawig ng IATF para sa mga lugar na under GCQ at MGCQ
Pinalawig ng IATF ang mga serbisyong maaaring ibigay ng mga barber shop at beauty salon para sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ at MGCQ.
Sa salaysay ni Spokesperson Harry Roque, tinanggal na ang clause ‘limited to basic haircutting services’ para sa mga barber shop at salon sa guidelines ng IATF. Aniya, pinapayagan ng muling tumanggap ng mga serbisyo gaya ng manicure, pedicure, eyelash extension, facial massage, waxing, shaving, at iba pa sa nabanggit na industriya.
Sa ilalim ng operating capacity para sa GCQ, pinapayagan ang 30% capacity operation ng mga barbershop at beauty salon. Habang 50% capacity operation naman sa ilalim ng mas maluwag na modified GCQ hanggang Hulyo 15. Simula ika 16 ng Hulyo naman, papayagan na sa 50% capacity operation ang under ng GCQ at 75% naman sa MGCQ.
Dahil dito, dapat isaalang-alang ang mandatory health standards and protocols or guidelines din ng Department of Trade and Industry (DTI) hinggil sa mga negosyong ito. (Ni Rex Molines | Photo courtesy: IATF)