Alkalde ng QC, nagpositibo sa COVID-19

Read Time:37 Second

Inihayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na siya ay nagpositibo sa coronavirus disease 2019.

Aniya, kahit nagpositibo si Mayor Belmonte ay tuloy pa rin ang kanyang serbisyo at pagtatrabaho sa lungsod ng QC at hindi nito hahayaang mabalewala ang kaniyang paglilingkod sa kanyang nasasakupan.

“Nangyari po ito sa kabila ng aking ibayong pag-iingat, pagsusuot ng face mask, madalas na paghugas ng kamay, at social distancing. Kaya sana magsilbi itong paalala na ang COVID-19 ay tunay na isang kakaibang sakit na dapat pag-ingatan pa nang lubusan.” saad ng alkalde.

Asymptomatic si Belmonte at kasalukuyan nang naka quarantine base na rin sa pagsunod ng quarantine protocols ng Department of Health at sinimulan na rin ang contact tracing procedure. (RBM / Photo courtesy: advocatesomi)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Panibagong bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa hanay ng PNP, pumalo na sa 942
Next post Tacloban City, COVID-Free na
%d bloggers like this: