Panawagan ni Pangulong Duterte sa mga nagpapaupa na naniningil sa kani-kanilang mga tenant

0 0
Read Time:1 Minute, 57 Second

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nagpapaupa ng tirahan at mga establisimiyento na suspendihin na muna ang paniningil ng upa sa kanilang mga tenant at ikonsidera ang mga nawalan ng hanapbuhay o trabaho at walang kakayahang makabayad dahil sa COVID-19 pandemic.

“Don’t force people to pay rent.”pahayag ni Duterte sa Cabinet meeting nito sa Davao City habang pinag-uusapan ang pagresponde sa COVID-19. Napabalita kamakailan na pini-pressure diumano ng mga building at property owners ang kanilang mga tenant na magbayad ng upa, at kung hindi ay papalayasin nila ang mga ito.

“Nagmamakaawa ako sa iyo, hwag ninyong pilitin ang mga tao, or magka-enkwentro tayo. Whatever (money is) in the hands of people now, they’re saving that for the rainy days to come,” sambit ni Pangulong Duterte.

“Don’t pressure a poor person just because you have this right. It’s not the time for you to pressure other people,” saad pa ni Duterte.

“Di ako papayag (I won’t allow that). You will have to call the police because that will cause a riot.” muling sambit ng Pangulo.

Dahil dito, iniisip lamang ng Pangulo ang mas makabubuti sa taumbayan kaysa harapin ang hindi maayos na kaganapan kung magmamatigas din ang mga nagpapaupa.

Aniya, hangga’t walang bakuna para maprotektahan ang taumbayan laban sa banta ng COVID-19 at humaharap ang lahat sa kagipitan ng buhay, mananatili ang health emergency sa bansa at ito ay dapat maunawaan at ikonsidera ng lahat.

Samantala, sinigurado naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na nasa good standing ang financial status ng bayan at kayang makapag generate pa ng bansa upang labanan ang krisis na ating kinakaharap.

Sa naging pahayag ni Pangulong Duterte, kanyang ipagbibili ang ilang government assets and properties gaya ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at PICC kung sakaling hindi kayanin ng bansa na matugunan financially ang lumulubong kaso ng COVID-19.

“Domiguez assured us we could still generate funds but what (would be) the end game, if we run out of funds? I’ll sell government assets—CCP, PICC, lands there if there’s no more money and we are about to sink, as in really sink,” ani Pangulo.

“I’ll sell the assets of the government and I will help the people, pagtatapos ng Pangulo. (Ni Rex B. Molines)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

Learn More →
%d bloggers like this: