
Panibagong bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa hanay ng PNP, pumalo na sa 942
Read Time:39 Second
Nakapagtala ng 37 panibagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw kung kaya ito ay pumalo na sa kabuuang 942 na mga nagpositibo sa nasabing sakit.
Ayon sa pagtatala ng PNP Health Service, ang mga bagong kaso ng COVID-19 ay labing siyam (19) dito mula sa Police Regional Office (PRO), pito (7) sa Central Visayas Region, 12 naman ang mula sa PRO 4-A, at tig-isa sa PRO 3, 6, National Headquarters at PNP Finance Service.
Samantala, patuloy pa rin ang monitoring sa may higit 650 probable case gayundin sa 1,258 na suspected case. Sa huling pagtatala, nasa 419 na ng mga pulis ang nakarekober sa naturang virus, habang siyam (9) naman ang nasawi. (RBM / Photo courtesy: PH Daily Inquirer)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.