Back riding sa motorsiklo, papayagan na ngayong Biyernes – DILG Sec. Año
Pinapayagan na ang back riding o pag-angkas sa motorsiklo ng mag-asawa o mag-partner ayon sa anunsyo ni DILG Secretary Eduardo Año simula ngayong Biyernes, (Hulyo 10, 2020).
“Living in one household whether they are married, common-law husband and wife, or boyfriend and girlfriend but their living in one household.” Pahayag ng Kalihim.
Sa paglilinaw, ang papayagan lamang sa ilalim ng ipapasa ng technical working group ay ang mga pribadong motorsiklo at hindi ang mga motorcycle taxis na tulad ng Angkas at Joyride. (Ni Rex B. Molines / Photo courtesy: Arnold Almacen)