Marina’s Special Bibingka, pitong dekada nang tinatangkilik sa Rosario Cavite

Read Time:3 Minute, 51 Second

Rosario, Cavite — “Hindi tao, hindi hayop. Ang ilalim ay impyerno, ang ibabaw ay purgatoryo, ang gitna ay makakain mo. Nagsaing si Totong, sa ibabaw ang tutong”. Ano ito? Bibingka!

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Sa bayan ng Rosario probinsya ng Cavite, tanyag ang espesyal na bibingka. Mas kilala ito sa katawagang Marina’s Bibingka. Taong 1958, nang simulan ang pagtitinda ng bibingka na noon ay pinamamahalaan pa ni Lola Anceta Buhain. Lumipas ang maraming taon at ito ay ipinamana sa kanyang anak na si Nanay Marina Buhain Morado.

Taong 1976, nang ito ay ipagpatuloy ni Nanay Marina. Nakita ni Marina ang potensyal na kita sa kakanin na ito. Kaya kanyang pinagsikapan na higitan pa ang masarap na lasa nito. Nagtagumpay si Marina sa kanyang adhikain at tinakilik nga ng maraming mamamayan. Lumipas ang maraming taon nang ipamana rin ito ni Nanay Marina sa kanyang mga anak. Sina Richard, Christoper, Edison, at Irene ang nagpatuloy nito hanggang sa kasalukuyan.

Dahil mas kilala ang Marina’s Bibingka, hindi na nagpalit ng pangalan ang magkakapatid. Bitbit pa rin ang swerteng pangalan sa merkado.

“Sabi ng Nanay Marina ko, mahalin at pagyamanin ang hanap-buhay. Ito ang salitang hinding-hindi nya makakalimutan buhat sa ina”, kwento ng panganay na anak na si Richrad.

“Bagamat nakapagtapos kaming magkakapatid sa kolehiyo ay mas pinili pa rin naming ipagpatuloy ang negosyong ito. Katunayan, ito lamang ang aming hanap-buhay. Dito namin kinukuha ang lahat ng bayarin sa bahay. Tulad ng kuryente, tubig, matrikula ng anak ko, at pang-araw-araw na pagkain”, dagdag pa ni Richard.

Si Richard Buhain Morado, isa sa ikatlong henerasyon na nagmana ng negosyong bibingka. Matatagpuan ang kanyang negosyo sa kahabaan ng kalye Marseilla. Si Richard ang panganay na anak ni Marina na nagtapos ng Computer Technology subalit mas piniling ipagpatuloy ang negosyong sinimulan ng kanyang lola Anceta.

Unti-unting nakilala ang Marina’s Bibingka dahil ito ang ginagawang pangregalo nang ilan para sa kanilang pagdalo o pagbisita sa mga kaibigan. Nakakasama rin ang kakanin na ito sa mga handaan tulad ng binyagan, kasalan, party, at kung anu-ano pa. Hanggang naging usap-usapan na nga ito sa mga tao. Ginagawa rin itong pasalubong sa ibang bansa. Kaya hindi kataka-takang dinarayo ito ng ilang mga balik-bayan buhat sa Amerika. Maging ang ilang dayuhan tulad ng Hapon at Koreano ay nakikipila rin sa pagbili ng kakanin na ito. Kakaiba raw talaga ang lasa nito, kumpara sa ibang bibingka.

Marina’s Bibingka, level up na:

Noong araw mabibili mo ang bibingka na ito na nakabalot sa dahon ng saging. Subalit sa paglipas panahon at sa tagubilin ng maraming mga suki ay binago ito. Nakabalot na ito sa isang kahon tila isang regalo. Madalas na ring naibibida sa telebisyon ang negosyong ito. Tulad ng My Puhunan ni Karen Davila, Umagang Kay Ganda, Unang Hirit, at bumida rin sa Bida Kapamilya ng dayuhin ng Kapamilya Network ang bayan ng Rosario kamakailan.

Ang batikang reporter ng Abs-Cbn na si Abner Mercado na dumayo pa sa bayan ng Rosario upang makabili lamang ng Marina’s Bibingka.

Lokal na pamahalaan, ipinagmamalaki ang Marina’s Bibingka:

Isa ang Marina’s Bibingka sa ipinagmamaking produkto buhat sa bayan na ito nina Mayor Nonong Ricafrente, VM Voltaire Ricafrente, at mga Konsehales. Kaya sa anumang imbitasyon ito ay kadalasang bitbit na regalo para sa dadaluhang okasyon. Hindi rin nakakalimutang banggitin ang kakanin na ito sa tuwing may bisitang darating. Kaya naging parte na ng turismo sa bayan na ito ang Marina’s Bibingka.

“Ito ang tunay na tatak ng Rosario. Bata pa ako ay dinarayo na talaga ito ng mga karatig-bayan. Madalas kasama ito sa hapag-kainan namin sa tuwing may nagaganap sa amin na anumang handaan. Hindi ito nawawala. Sarap na sarap dito ang aming mga bisita. Kung minsan pa nga ay ipinagbabaon pa namin sila upang matikman din ng ilan nilang kaanak”, pagsasalaysay ni VM Voltaire Ricafrente.

“Ikatlong henerasyon na ito ng pagtitinda ng bibingka. Nagsimula pa ito sa lola nina Richard at sila na ngayon ang nagpapatuloy nito. Kaya sa tuwing may mga aktibidades kami, ito ang lagi naming inihahain. Ito rin ang inireregalo ko sa aking mga panauhin. Ako mismo, palagi akong nagpapabili nito para sa aming meryenda. Parte na talaga ito ng kultura naming mga taga-Rosario, ang masarap na espesyal na bibingka”, paglalahad ni Mayor Nonong Ricafrente.

Mensahe ng Marina’s Bibingka para sa gustong magnegosyo:

Gawing kapital ang inyong kakayahan at pag-ibayuhin ang inyong nalalaman. Pasikatin ang inyong produkto at serbisyo at magkaroon ng konkretong basehan ng inyong pagpapahalaga at sa huli ay gawing angkop sa bawat isang kliyente ang inyong produkto. (Ni SID SAMANIEGO)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Back riding sa motorsiklo, papayagan na ngayong Biyernes – DILG Sec. Año
Next post Manila commended for COVID-19 mass testing, outbreak efforts

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d