
SHOWBIZ: Dasal para kay Kim Idol

Ina ng comedian na si Kim Idol, nanawagan ng dasal para sa paggaling matapos isugod sa ospital.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Isinugod sa ospital ang comedian na si Kim Idol dahil sa komplikasyon ng brain ateriovenous malformation (AVM).
Matatandaan nitong 2015 lamang isinapubliko ng comedian ang rare medical condition kung saan nagkakaproblema ang pagdaloy ng dugo sa kanyang utak.
Umaga ng July 9 nang muling nagdusa si Kim dahil sa AVM.
Ayon sa kanyang facebook post ng kanyang ina na si Maria Argente nag-volunteer ang kanyang anak bilang frontliner sa Covid-19 ngunit ang commedian ay nasa critical condition dahil sa kanyang sakit.
Dagdag niya, “Sa mga nakakakilala kay Kim Idol, patuloy tayong manalangin para sa kanya. Sinuong niya ang kanyang buhay para sa nangangailangan ng tulong bilang frontliner. Hindi siya nahawa, ‘yung AVM, ‘yun ang naging dahilan. Napagod at puyat marahil”.
Nanawagan din ng panalangin ang mga kaibigan at katrabaho ni Kim na sina Ate Gay, Philip Lazaro, Super Tekla at Teri Onor. (Ni Benjamim Ducay Garcia | Photo courtesy: PEP.Ph)