
GLOBAL: Palawan, hinirang muli bilang “World’s best Island” sa buong mundo

Hinirang muli ang Palawan bilang “World’s best Island” ng Travel+Leisure magazine na nakabase sa New York sa kanilang taunang world’s top destinations nitong Miyerkules, Hulyo 8.
Sa ginawang botohan sa mga bansang may pinakamagagandang destinasyon na mga isla, nasungkit ang isla ng Palawan na may 94.84 score o top rank mula sa mga mambabasa nito.

“Though it’s difficult to reach from many parts of the world, once travelers get there they can dive in World War II wrecks, explore old-growth rain forests, and paddle one of the world’s longest subterranean rivers at Puerto Princesa.” Sinabi ni Sara Clemence, writer ng Travel+Leisure.
Sa ipinoste ng Department of Tourism (DOT) sa kanilang official Facebook page nitong Huwebes, ipinagdiriwang nila ang muling paglago ng turismo sa Palawan matapos itong mabigyan ng parangal.
Matatandaan na ang Palawan ay nabigyan din ng titulo noong 2013, 2016 at 2017.
“Palawan reclaimed its rightful place in the World’s Best Awards. The citation as the Best Island in the World is all the more important because this is voted upon by the readers of the prominent Travel + Leisure (T+L) magazine,” saad ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.
Dagdag pa, napakagandang isipin at pagmasdan na ang naging rehabilitation and sustainable development effort ng Palawan ay muli nilang napagtagumpayan higit ang El Nido at Coron na lubos na tinanggap at pinipili ng mga turista.
Samantala, nasa ika-labing apat (14) sa kanilang listahan ang Boracay at pang-lima (5) naman ito sa buong Asya ngayong taon. (Ni Rex B. Molines)