ESPESYAL

SPECIAL REPORT: Padyak, Tatak Foreignoy

“I spend my life nothing, with no family, no children, but with my own”. Isang kataga na mula sa isang lalaking matangkad, mapula-pulang balat na nagngangalang Robert Conrad Wrolsen, 40 anyos.

May mga pangarap tayo na mahirap abutin sa buhay, dahil mismong tayo na rin ang lumalayo para makamit ito, mayroon din tayong gusto sa buhay na hindi natin alam kung ano nga ba ito, at kung paano makakamit ang tunay na gusto mo.

Isa lamang si Robert Conrad Wrolsen o mas kilala sa tawag na Conrad sa mga bilyung-bilyong tao na gustong makamtan ang tunay na kaligayahan sa buhay.

Tubong New York si Conrad isang American Citizen. Doon niya halos ginugol ang kaniyang buhay, mula sa pag-aaral hanggang sa pagtatrabaho, ngunit doon ay hindi niya matagpuan ang tunay na kaligayahan. Siya ay pumunta rito sa Pilipinas para punan ang mga pagkukulang sa kanyang buhay. Dito na rin siya nakapag-asawa at kasalukuyang naninirahan sa bayan ng Rosario Cavite.

Dalawang taon na rin siyang naninirahan dito sa Pilipinas. Sinubukan niya ring mag-apply ng trabaho, ngunit hindi naging madali ito para sakanya, kaya naman sinubukan niyang mag padyak, o maging sidecar driver, halos dalawang buwan niya na rin itong trabaho.

“It is started as a joke”, dagdag pa niya dahil sa kagustuhang maging busy, nang sa gayon ay kumita rin ng pera. Sa kabila ng init na temperatura sa Pilipinas ay pinili niya ang magpadyak. Tinuturi niyang bonus na ang perang kinikita sa trabaho, dahil na rin sa nakakakilala siya ng bagong kaibigan, at bagong kaalaman sa mga ito.

“Being a sidecar driver is a hard job, sitting in line while waiting for the next passenger”, ngunit hindi ito isang balakid para mahirapan sa buhay, bagkus ay isang hakbang para sakanya na maging masaya.

Dito niya rin natagpuan ang tunay na kaligayahan sa buhay, dahil na rin sa ating Filipino Culture and Values kung gaano ka-hospitable ang mga Pinoy, pakikipag-kapwa at pagkakaisa, maging ang pakikipagkaibigan, yan na raw ang lubos na hinahangaan niya sa ating mga Pinoy.

Dagdag pa niya, “You can never understand the culture, without experience”. Hindi man siya makapagsalita ng sarili nating wika lubos niya namang naiintindihan at minamahal kung ano tayo at kung ano’ng mayroon tayong mga Pinoy. Tunay nga’ng kahit saang sulok ng mundo ay ating hahamakin matagpuan lamang ang inaaasam na kaligayahan. (Ni SID LUNA SAMANIEGO)

1 reply »

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.