Community News

SERBISYO, SAKRIPISYO, at BOLUNTARYO: Aktuwal na nakuhanan ng larawan ang eksena na ito kahapon ng tanghali sa Rosario, Cavite

Isang pulis ang bumaba mula sa sinasakyan niyang patrol at nilapitan ang isang matanda upang ibigay ang pagkaing kanya sanang kakainin.

Ayon sa pulis na nakilalang si PSSG Ron Ely Miranda, nakatalaga sa Rosario MPS, pabalik na umano siya sa kanyang duty upang kumain ng tanghalian subalit ng masalubong niya ang matanda na tila pagod na pagod ay hindi siya nagdalawang isip na kausapin ito at bigyan ng pagkain.

Laking tuwa at pasasalamat diumano ng matanda ng maranasan niya ang ganitong pagkakataon lalo na’t sa isang pulis pang katulad ni Miranda.

“Masarap ang makatulong sa kapwa, maliit man ito o malaking bagay. Ako’y isang pulis, gagampanan ko ang aking serbisyo kaakibat ng sakripisyo at bukal na pusong pagboboluntaryo,” mensahe ni miranda. (Ni SID LUNA SAMANIEGO)

%d bloggers like this: