
Malabon Urban Agriculture – Gulayan sa Kabahayan Project patuloy ang pag-usbong

Pinangunahan ni Councilor Nadja Marie Vicencio ng AKLAT Foundation Inc at ng Bureau of Plants Industry ang proyekto ng Malabon Urban Agriculture – Gulayan sa Kabahayan nitong Hunyo 1, sa barangay Tinajeros sa nasabing lungsod.
Sinimulan nila ang kanilang pagtatanim sa isang 200sqm na bakanteng lote na ipinagkaloob sa kanila ng isang butihing kaibigan ni Councilor Nadja upang ito ay taniman. Ang lahat ng kanilang mga aanihing pananim dito ay kanilang ipamamahagi ng libre sa mga kalapit kabahayan.
Sila ay nakapag-ani na ng pananim na kangkong nitong Hunyo 25 sa nasabing barangay. Bukod sa kangkong ay may mga pananim din sila na okra, talong, sitaw, pechay, kale, saluyot, talbos ng kamote, banaba, at marami pang iba. Aniya, hangga’t may itinatanim ang kanilang samahan ay patuloy silang mag-aani upang makatulong sa kanilang komunidad at kalapit barangay. (Ni Rex Molines | Photo courtesy: Pilipino Positibo)
Tingnan ang mga larawan sa ibaba: