
European Union naglaan ng 60.5 million euros para sa usaping pangkapayapaan at imprastraktura sa Mindanao region

Pinirmahan ng Pilipinas at ng European Union ang pamumuhunan para sa kaayusan pang kapayapaan at proyektong imprastraktura sa Mindanao region na nagkakahalaga ng 60.5 million euros o P3.38 bilyong piso, ayon sa Department of Finance nitong lingo.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ang napagkasunduang agreement para sa Mindanao Peace and Development Program ay nagkakahalaga ng 35.5 million o P1.98 billion na pinirmahan nitong Hunyo 26, kasunod namang pinirmahan nitong ika 1 ng Hulyo ang pamumuhunan para sa Bangsamoro Transition (SUBATRA) program na nagkakahalaga ng 25 million euros o P1.3 billion base na rin sa pahayag ng DOF.
Aniya, makatutulong ito sa Administrasyong Duterte upang matamo ang hangaring mapabuti ang kaayusan sa southern Philippines at ito rin ay pagsuporta para sa Bangsamoro region.
Layon ng SUBATRA program na maitatag ang isang pagpapagana ng demokratikong pamamahala sa kapaligiran sa buong rehiyon ng Mindanao.
Samantala, ang EU ay ang major contributor ng Mindanao Trust Fund for Reconstruction and Development. (Ni Rex B. Molines)