
Isa sa naging sentro ng coronavirus outbreak ang New York City at ngayong araw ay naiulat na zero COVID-19 case, ayon sa inilabas na datos ng New York City Department of Health and Mental Hygiene.
Matapos ang mahigit apat na buwang pakikibaka sa naturang sakit at maitala ang unang kumpirmadong kaso ng COVID-19 noong Marso 11, umabot sa 597 nitong Abril at nadagdagan pa ng 216 katao na hinihinalang COVID-19 ang ikinamatay sa magkaparehong buwan na iyon. Ang pinakamataas na bilang ng pagkamatay sa buong estado ay naiulat noong Abril 9.
Dahil sa walang naitala ng pagkamatay sa naturang virus sa nasabing lugar ay pinahihintulutan ng muli ang pagbubukas ng mga nail salon, tanning studios, and dog runs.
Samantala, mananatiling sarado ang mga kainan sa ilang lugar kabilang ang Texas at Florida dahil sa nakitaan ito ng posibilidad ng potensyal na virus pagkatapos ng kanilang pagbubukas ng bar at restaurant noon.
Dahil sa mga figure na inilabas ng kanilang tanggapan nitong linggo na hindi na nakapagtala pa ng pagkamatay sa COVID-19 sa nakaraang tatlong araw ay nasilip din ng Washington D.C. na ang coronavirus ay bumagal ang paglaganap sa buwan na ito.
Sa pangkalahatang pagtatala ng mga namatay sa COVID-19 sa Estados Unidos ay pumalo na sa 134,904 nitong linggo. (Ni Rex Molines)
Categories: DAIGDIG