
60,000 kilos ng imported mackerel fish, ipinamahagi sa San Juan City
Namahagi ng 60,000 kilos ng imported Mackerel Fish ang lokal na pamahalaan ng San Juan ngayong araw.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Aniya, dalawang container van ang nagbaba ng nasabing imported mackerel fish at ito ay kanilang ipinamahagi sa mga indigent na pamilyang San Juaneño at ilang mga nangangailangan din ng tulong sa nasabing lungsod.
Katuwang sa kanilang pamamahagi ay ang kapatid ni Mayor Francis Zamora na si Atty. Bel Zamora, Congressional District Office Head, ang mga Councilor na sina Boyet Aquino, Cris Mathay, Herbert Chua, at Ariel Atad, ang mga Barangay Captain, SK Chairpersons, at ang mga empleyado ng City Hall ng San Juan.
“Umaasa po ako na ang ating pamamahagi ng imported na isda sa araw na ito ay makakatulong sa mga pamilyang San Juaneño na lubos na apektado ng krisis ng COVID-19,” saad ni Mayor Zamora sa kanyang ipinoste sa official Facebook page nito.
Bagama’t General Community Quarantine (GCQ) na ang kanilang lungsod ay patuloy pa rin ang pagtulong ng kanilang minamahal na Alkalde at ang mga nag-aabot ng tulong din para sa higit na mga nangangailangan sa kanilang lungsod. (Ni Rex Molines / Photos courtesy from the post of Mayor Francis Zamora on his official Facebook page)